1 Kakaiba naman ang taong nagpapakadalubhasasa Kautusan ng Kataas-taasang Diyos.Sinasaliksik niya ang karunungan ng mga nakalipas na panahon,at pinag-aaralan ang mga pahayag ng mga propeta.
2 Isinasaulo niya ang mga aral ng mga bantog na lalaki,at ipinaliliwanag niya ang malalalim na talinhaga.
3 Sinasaliksik niya ang natatagong kahulugan ng mga salawikain,at alam niya ang kasagutan sa mga talinhaga.
4 Naglilingkod siya sa mga namumuno sa bansa,at nakikisalamuha sa mga maharlika.Naglalakbay siya sa iba't ibang lupain,upang pag-aralan ang kabutihan at ang kasamaan ng mga tao.
5 Dumadalangin siya sa Panginoon sa pagbubukang-liwayway,at buong pusong nananawagan sa Kataas-taasang Diyos.Nagsusumamo siya sa harapan ng Kataas-taasan,mataimtim na nagdarasal, at inihihingi ng tawad ang kanyang mga kasalanan.
6 Kung mamarapatin ng dakilang Panginoon,mapupuspos ang taong ito ng kanyang pagkaunawa;kaya't mamumutawi sa kanyang mga labi ang magagandang aralat magpapasalamat siya at magpupuri sa Panginoon.
7 Mauunawaan niya ang mga lihim ng Panginoon,maibabahagi ang kaalaman sa iba at makapagbibigay ng magagandang payo.
8 Ipapahayag niya ang karunungang kanyang nakamtan,at ipagkakapuri niya ang mga Kautusan at tipan ng Panginoon.
9 Pupurihin ng mga tao ang kanyang katalinuhanat hindi na ito makakalimutan kailanman.Mananatili siyang buháy sa alaala ng mga tao,at ang pangalan niya'y laging sasambitin ng mga susunod pang salinlahi.
10 Mababantog siya sa mga bansa,at lagi siyang papupurihan ng sambayanan.
11 Kung siya'y mabuhay nang matagal, mamumukod ang pangalan niya sa sanlibong mga pangalan.Ngunit kung siya'y bawian ng buhay, ang karangalan niya'y hindi na rin mapaparam.
12 Itutuloy ko ang paglalahad ng aking iniisip,na nag-uumapaw, tulad ng buwan sa kanyang kabilugan.
13 Makinig kayo, mga anak na may loob sa Diyos,bumukadkad kayong gaya ng rosas sa tabi ng batisan.
14 Humalimuyak kayong parang insenso,mamulaklak kayong gaya ng liryoat magsabog ng bango sa buong paligid.Umawit kayo ng papuri sa Panginoon, at ipagpasalamat ang kanyang mga ginawa.
15 Ipagbunyi ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan,at awitan siya ng papuri sa saliw ng mga alpa at mga kudyapi.
16 Kahanga-hanga ang lahat ng ginawa ng Panginoon,at lahat ng ibig niya'y natutupad sa kanyang panahon.
17 Hindi dapat sabihin: “Ano ito? Bakit gayon?”Ang lahat ng iyan ay sasagutin ng Diyos sa kanyang itinakdang panahon.Nagsalita lamang siya'y naipon ang tubig na wari'y ibinunton,at ang mga sisidla'y nilikha rin niya sa oras na iyon.
18 Sa isang hudyat niya'y natutupad ang kanyang kalooban,at walang makakahadlang sa kanyang kapangyarihang magligtas.
19 Minamasdan niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao;at walang nawawaglit sa kanyang paningin.
20 Mula sa pasimula at magpasawalang-hanggan, lahat ay nakikita niya.At walang anumang maaari siyang ikamangha.
21 Kaya't huwag mong sabihin: “Ano ito? Bakit gayon?”Sapagkat nilikha ang bawat isa na may sariling layunin.
22 Ang pagpapala niya'y gaya ng pag-apaw ng Ilog Nilo,na dumidilig at nagpapataba sa tigang na lupain.
23 Ngunit ang poot naman niya'y daragsa laban sa mga bansa,gaya nang tabunan niya ng asin ang isang luntiang kapatagan.
24 Maginhawa ang landas niya para sa mga may paggalang sa kanya,ngunit maraming sagabal para sa mga makasalanan.
25 Sa mula't mula pa'y marami na siyang kabutihang inilaan para sa mabubuti,at marami namang kasawian para sa masasamang tao.
26 Ito ang mga pangunahing pangangailangan ng tao: tubig at apoy, bakal at asin, harina, gatas at pulot, alak, langis, at damit.
27 Ang lahat ng ito'y mabuti para sa may paggalang sa Diyos,ngunit nagiging kapahamakan para sa masasama.
28 May mga hanging nilikha niya para maging kasangkapan ng kanyang galit,at may lakas na bumuhat ng mga bundok.Sa takdang panaho'y ibubuhos nila ang kanilang bagsikat sa gayo'y pinalulubag ang galit ng Lumikha sa kanila.
29 Ang apoy, ang pag-ulan ng yelo, ang gutom at ang salotay nilalang din upang gamitin sa pagpaparusa.
30 Ang mababangis na hayop, ang mga alakdan, ang mga ulupong,at ang tabak ng naghihiganti ay pawang panlipol sa mga masasama.
31 Ang lahat ng ito'y malugod na tumutupad ng kanyang mga utos,at laging handang maglingkod sa kanya dito sa lupa.Pagdating ng kanilang oras ay di sumusuway kailanman.
32 Kaya't sa simula pa'y ito na ang aking paninindigan,na isinulat ko matapos pag-isipan;
33 Pawang mabuti ang lahat ng ginawa ng Panginoon,at nakakatugon sa bawat pangangailangan sa akmang panahon.
34 Hindi maaaring sabihin ninuman: “Ito ay mas masama pa riyan!”Pagkat ang bawat isa'y may kanyang kabutihan pagdating ng tamang panahon.
35 Kaya ngayon, umawit kayo nang buong sigla,at purihin ang pangalan ng Panginoon.