1 Mula sa lahi ni Jacob lumitaw si Moises, ulirang lalaking kinalugdan ng lahat.Minahal ng Diyos at ng mga tao,at nag-iwan ng isang banal na alaala.
2 Ipinantay siya ng Diyos sa kanyang mga anghel,at binigyan ng kapangyarihang kinasindakan ng kanyang mga kaaway.
3 Doon sa Egipto, sa isang salita niya'y dumating ang pagkawasak,at dinakila siya sa harapan ng mga hari.Ibinigay sa kanya ng Panginoon ang Kautusan para sa kanyang bayan,at pinakitaan siya ng kanyang kaluwalhatian.
4 Pinili siya dahil sa kanyang katapatan at kababaang-loob,at ibinukod mula sa karamihan.
5 Ipinarinig sa kanya ng Diyos ang kanyang tinig,at dinala siya sa maitim na ulap.Iniabot sa kanya ang Kautusan,ang batas na nagbibigay-buhay at pang-unawa.Upang ituro niya sa lahi ni Jacob ang kahulugan ng Kasunduan,at malaman ng buong Israel ang kanyang mga utos.
6 Pinili din ng Diyos si Aaron,ang kapatid ni Moises mula sa lipi ni Levi.
7 Gumawa ang Diyos ng walang hanggang pakikipagtipan sa kanya,at ginawa siyang pari ng kanyang bayan.Binihisan siya ng mamahaling kasuotan,at ginayakan ng magagandang kagamitan.
8 Pinagsuot siya ng maningning na damit,at binigyan ng mga tanda ng kapangyarihan:Salawal na hanggang binti, damit na mahaba, at efod.
9 Nilagyan ng mga bunga ng granada ang laylayan ng kanyang baro,at sinalitan ng mga kampanilyang gintona kumikililing habang siya'y lumalakad,upang marinig sa buong Templo ng Diyosat maalala ng Panginoon ang kanyang bayan.
10 Pinagsuot siya ng Panginoon ng damit na sagradona binurdahan ng ginto, asul at pula;binigyan din siya ng pektoral na tagapagpahayag ng kalooban ng Diyos,
11 at ng kurdong pula na ginawa ng isang dalubhasa.Pinapagsuot pa siya ng batong hiyas na tinabas na parang pantatak,at ipinatong ng platero sa ginto,at inukitan ng mga pangalan ng labindalawang lipi ng Israelupang sila'y laging maalala ng Panginoon.
12 Ang kanyang turbante ay nilagyan ng hiyas na gintona may ganitong titik: “Nakatalaga sa Panginoon.”Palamuting marilag at napakaganda ng pagkagawa,hiyas na nakakawiling pagmasdan.
13 Wala pang ibang nakapagsuot ng kasuotang gayon kaganda,at wala ring nakapagsuot niyon pagkamatay niya,siya, ang kanyang mga anak na lalaki,at ang kanyang mga salinlahi ang siya lamang nakapagsuot noon sa habang panahon.
14 Mag-aalay sila ng handog na susunuginumaga't hapon, magpakailanman.
15 Itinalaga siya ni Moisesat pinahiran ng langis na sagrado.At sa pamamagitan nito'y nakipagtipan ang Diyos sa kanya,at sa kanyang mga anak magpakailanman.Maglilingkod sila sa Diyos bilang mga pari,magbabasbas sa bayan sa pangalan ng Panginoon.
16 Hinirang si Aaron sa lahat ng mga taoupang maging tagapaghandog sa Panginoonng mga handog na susunugin at insenso upang magsilbing tagapagpaalala sa Panginoonat upang patawarin sila sa kanilang mga kasalanan.
17 Ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos ang kanyang mga batas,at sa kanya pinaingatan ang nilalaman ng Kautusanupang ituro sa mga anak ni Jacob ang kanyang mga tuntunin,at ipaliwanag sa Israel ang kanyang mga utos.
18 Minsan ay may mga nainggit sa kanya,at nag-aklas laban sa kanya doon sa ilang:sina Datan, Abiram at Korah at ang kanilang mga pangkat—galit silang lumapit sa kanya.
19 Nakita ng Panginoon ang ginawa nila,at sa galit niya'y nilipol silang lahat.Sa pamamagitan ng isang kababalaghanay tinupok sila ng naglalagablab na apoy.
20 Dinagdagan pa ng Diyos ang parangal kay Aaronnang ito'y bigyan niya ng tanging pamana:inilaan niya sa mga pari ang pinakamainam na unang ani,upang sila'y magkaroon ng saganang ikabubuhay.
21 Kaya't sila ang kumakain ng mga handog sa Panginoon.Ibinigay niya ito kay Aaron at sa kanyang mga anak.
22 Ngunit hindi sila binigyan ng bahagi sa lupain, na ibinigay ng Panginoon sa kanyang bayan.Ang Panginoon ang mana ni Aaron,ang bahaging itinalaga sa kanya at sa kanyang lipi.
23 Si Finehas na anak ni Eleazar ang pangatlo sa karangalan.Dahil sa kanyang malasakit sa paggalang sa Panginoon,buong tatag niyang ipinagtanggol ito nang mag-aklas ang bayan,at sa gayo'y nailigtas ang buong Israel.
24 Kaya't nakipagkasundo sa kanya ang Panginoon,ipinangako sa kanya ang pamamahala sa tahanan ng Diyos,at ipinagkaloob sa kanya at sa kanyang mga anakang pagkapunong pari magpakailanman.
25 Di tulad ng kanyang kasunduan kay Davidna anak ni Jesse, mula sa lipi ni Juda,na ang pagkahari ay mamanahin lamang ng anak sa ama,ang pagkapari ay mananatili magpakailanman sa mga anak at apo ni Aaron.
26 Purihin ninyo ang Panginoon sapagkat siya'y mabuti;pinutungan niya kayo ng korona ng karangalan.Nawa'y bigyan kayo ng Panginoon ng sapat na karunungan,upang mamahala kayo sa bayan niya nang may katarungan,at sa gayo'y huwag mawala sa kanila ang kasaganaanat manatili ang kapamahalaan ninyo sa habang panahon.