1 Parang mabangong insenso ang pangalan ni Josias,insenso na tinimpla ng mahusay na manggagawa ng pabango;parang pulot na kinawiwilihan ng lahat,parang malambing na tugtugin sa isang handaan.
2 Kinamuhian niya ang mga kasalanan ng bayan,at winasak ang kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.
3 Naging matatag ang kanyang katapatan sa Diyos,at nanatiling maka-Diyos sa mga panahon ng kasamaan.
4 Liban kina David, Hezekias at Josias,nagpakasamang lahat ang mga hari ng Juda.Tinalikuran nila ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos,kaya't sa wakas, inalis sa kanila ang pagkahari.
5 Inilipat ng Diyos sa iba ang kanilang kapangyarihan,at ang karangalan nila'y ibinigay sa isang bayang dayuhan.
6 Sinunog ng mga ito ang banal na lunsod,at iniwang parang ilang ang kanyang mga lansangan.Ito'y ipinahayag na ni Jeremias noong una,
7 sapagkat siya'y kanilang pinag-usig at inalimura,bagaman siya'y hinirang na propeta mula pa sa tiyan ng inaupang maggiba, magwasak at bumunot,at upang magtayo, magbuo at magtanim.
8 Si Ezekiel ang nakakita ng kagila-gilalas na pangitain tungkol sa kaluwalhatian ng Diyos.Nakita niya iyon lulan ng isang karwahe na hila ng mga kerubin.
9 Binanggit din niya si Job,ang lalaking nanatili sa landas ng katuwiran.
10 Tungkol naman sa labindalawang propeta,nawa'y muling manariwa ang buto nila sa libingan.Sapagkat dahil sa kanilang pananampalataya at pag-asa,inaliw nila at pinalakas ang loob ng bansang Israel.
11 Paano natin mapaparangalan nang sapat si Zerubabel?Siya'y naging parang singsing na pantatak sa daliri ng Panginoon,
12 at gayundin si Josue na anak ni Jozadak.Noong panahon nila muling ibinangon ang Templo.Ipinagtayo nila ang Panginoon ng isang tahananna nakatalagang maging maluwalhati magpakailanman.
13 Kailangan ding alalahanin at parangalan si Nehemias;siya ang muling nagbangon ng ating mga guhong muog;siya ang naglagay ng mga pinto at tarangka niyonat nagtayo ng ating mga tahanan.
14 Sa mga nabuhay sa daigdig, wala pang katulad si Enoc,sapagkat siya'y buháy na dinala sa langit.
15 Wala pa ring isinilang na katulad ni Jose,ang pinakadakila sa kanyang mga kapatid at naging sandigan ng kanyang lahi;pati ang kanyang mga buto ay pinarangalan.
16 Dakila sina Shem, Set, at Enos,ngunit si Adan ang nangunguna sa lahat ng nilikha.