1 Narito naman ang mga bagay na di mo dapat ikahiya,magkakasala ka kung matatakot ka sa sasabihin ng tao.
2 Huwag mong ikahiya ang Kautusan ng Kataas-taasang Diyos at ang kanyang tipan,o ang maggawad ng katarungan, kahit sa masasamang tao.
3 Huwag kang mahiyang makipagtuos ng gastos sa kasama sa paglalakbay,o kumuha ng kaparte mo sa mamanahing kayamanan.
4 Huwag kang mahiyang gumamit ng tamang timbangan,o magpatakbo ng negosyo malaki o maliit man.
5 Huwag kang mahiyang magpatubo sa pangangalakal,o sumaway at magtuwid sa iyong mga anak,o magpadugo ng likod ng aliping batugan.
6 Huwag kang mahiyang gumamit ng kandado, kung ang asawa mo'y hindi mapagkakatiwalaan,o kung sa ari-arian mo'y maraming nakikialam.
7 Huwag mong ikahiyang bilangin o timbangin ang ipinagkakatiwala mo sa iba,o isulat ang lahat ng salaping tinatanggap o ibinabayad.
8 Huwag kang mahiyang magtuwid sa mangmang,o kaya'y sumaway sa matandang nakikisiping sa mga haliparot.Ang lahat ng iyan ay magagandang payona kung susundin mo ay pupurihin ka ng lahat.
9 Ang anak na babae ay sakit ng ulo ng isang ama,bagaman ito'y hindi ipinahahalata sa kanya.Habang siya'y bata, iniisip ng ama na baka hindi magkaasawa ang anak niya,at kung magkaasawa ay baka kamuhian ng asawa.
10 Kapag naging dalaga, baka masira ang puriat magkaanak sa pagka-dalaga.Kung magkaasawa naman, baka magtaksil sa asawa,o kaya'y hindi magkaanak.
11 Kung siya'y matigas ang ulo, pakaingatan mong mabuti,upang huwag kang mapagtawanan ng iyong mga kaaway,o kaya'y mapag-usapan ng buong sambayanan,at sa gayo'y mapahiya ka sa harap ng karamihan.
12 Huwag mong pababayaang ibilad niya ang kanyang kagandahan sa mga lalaki,o makipagtsismisan sa mga babaing may-asawa.
13 Sapagkat tulad ng tangá na sa damit din nagmumula,ang kapahamakan ng isang babae ay sa babae na rin nanggagaling.
14 Mabuti pa ang kasamaan ng isang lalaki kaysa kabutihan ng isang babae;maraming kahihiyan at kadustaan ang nagbubuhat sa babae.
15 Sasariwain ko naman sa alaala ang mga ginawa ng Panginoon,isasalaysay ko ngayon ang aking mga nakita.Ang lahat ng bagay ay nagmula sa kanyang salitakaya't ang sangnilikha ay sumusunod sa kanya.
16 Tulad ng liwanag ng araw na laganap sa lahat ng lugar,ang kaluwalhatian ng Panginoon ay umaapaw sa bawat nilikha.
17 Ngunit hindi kaya ninuman—kahit ng mga anghel ng Panginoon,na isalaysay na lahat ang kanyang mga kababalaghan.Kahit na ang mga ito ay binigyan niya ng kapangyarihangtumayo sa harap ng di mailarawang kaluwalhatian niya.
18 Nasusukat niya ang walang hanggang kalaliman gayundin ang kaibuturan ng puso ng tao,natatalos niya ang kanilang mga lihim.Sapagkat ang lahat ay nalalaman niyaat nababasa rin niya ang tanda ng mga panahon.
19 Nasasabi niya ang nakalipas na at ang darating pa,at hayag sa kanya ang pinakatagong lihim.
20 Walang kaisipang hindi niya nababatid,wala ni isang salita na sa kanya'y nalilingid.
21 Ang lahat ng ginawa ng kanyang karunungan ay iniayos niya nang napakainam;mananatili siya magpakailanman.Hindi siya mababawasan at hindi rin madaragdagan,hindi niya kailangan ang payo ninuman.
22 Lahat ng kanyang ginawa ay kahanga-hanga,pati ang pinakamaliit na tilamsik ng apoy.
23 Ang lahat ng nilalang ay nabubuhay at nananatili.At bawat isa'y tumutugon sa bawat pangangailangan.
24 Ang lahat ng nilalang ay magkakatambal, bawat isa ay mayroong katapat.Ngunit walang ginawa ang Panginoon na masasabing kulang.
25 Ang kabutihan ng isa ay nakakapuno sa kabutihan ng iba.Sino ang magsasawa ng paghanga sa kanyang karilagan?