1 “Magkaibigan tayo,” sabi ng alinmang kaibigan,ngunit may mga kaibigang sa pangalan lamang.
2 Mapait pa kaysa kamatayan ang kalungkutang daranasinkung ang pinakamatalik mong kaibigan ay maging kaaway.
3 O isipang masama, paano kang nakapasoksa daigdig upang ang lupa'y punuin ng panlilinlang?
4 May kaibigang malapit lamang sa iyo habang ikaw ay sagana,ngunit iiwan ka niya sa panahon ng kagipitan.
5 Ang tapat na kaibiga'y handang makipaglaban para sa iyoat magsisilbing kalasag mo laban sa kaaway.
6 Huwag mong kalilimutan ang kaibigang nakipaglaban para sa iyo,huwag mo siyang itatakwil kapag ikaw ay sumagana.
7 Lahat ng tagapayo'y may kanya-kanyang ipapayo,ngunit mayroong nagpapayo para sa sariling kapakinabangan.
8 Mag-iingat ka kapag may nagpapayo sa iyo,tingnan mo muna kung ano ang papakinabangin niya.Sapagkat kung ang payo niya ay makakabuti sa kanya,baka ikaw ay kinakasangkapan lamang niya.
9 Marahil sasabihin niya: “Mahusay! Tamang-tama ang ginawa mo.”At pagkatapos ay malugod na lamang niyang panonoorin ang mangyayari sa iyo.
10 Huwag kang hihingi ng payo sa taong walang tiwala sa iyo,at huwag ka namang magbibigay ng payo sa mga naiinggit sa iyo.
11 Huwag kang magtatanong sa isang babae tungkol sa kanyang karibal,sa isang duwag tungkol sa digmaan,sa mangangalakal tungkol sa halaga ng bilihin,sa mamimili tungkol sa iyong ipinagbibili,sa kuripot tungkol sa pagtanaw ng utang na loob,sa malupit tungkol sa paglingap sa kapwa,sa taong tamad tungkol sa anumang uri ng gawa,sa isang pansamantalang manggagawa tungkol sa pagtatapos ng isang gawain,o sa isang aliping tamad tungkol sa isang malaking gawain;huwag kang hihingi ng payo sa sinuman sa mga ito.
12 Sa halip, lumapit ka sa taong may takot sa Diyos,sa taong kilala mong masunurin sa Kautusan.Magtanong ka sa isang katulad mo ang kaisipan,na maaawa sa iyo kung ikaw ay magkamali.
13 At sa wakas, pakinggan mo ang itinitibok ng iyong puso,sapagkat wala kang dapat pagtiwalaan nang higit sa riyan.
14 Kalimitan, higit ang masasabi ng sariling kaisipan,kaysa pitong bantay na nasa isang mataas na tore.
15 Higit sa lahat, dumalangin ka sa Kataas-taasan,upang akayin ka niya sa katotohanan sa lahat mong gagawin.
16 Lahat ng panukala'y kailangang pag-usapan muna,at anumang gawai'y kailangan munang isipin.
17 Sa isipan binabalangkas ang lahat ng panukala ng tao,at ang mga ito'y sa apat nauuwi:
18 sa mabuti o sa masama, sa buhay o sa kamatayan,subalit ang lahat ng ito'y dila ang naghahayag.
19 Mayroong tao na sa karununga'y nakakapagturo sa iba,ngunit hangal naman sa sariling kapakanan;
20 Mayroon namang napakagaling magsalita, ngunit sa halip na makaakit,marami ang nasusuya, kaya't sa wakas ay kinakapos pa sa ikabubuhay.
21 Ganyan ang mangyayari sa taong walang pakisama,na di pinagkalooban ng Panginoon ng kaalaman sa pakikitungo sa kapwa.
22 Kapag ang isang tao'y magandang magpalakad ng sariling kapakanan,ang kanyang katalinuha'y nakikita sa kanyang pananalita.
23 Kung ang karunungan ng isang tao'y pinakikinabangan ng bayan,ang kanyang katalinuha'y dapat pagtiwalaan.
24 Ang tunay na marunong ay pupurihin ng karamihan,at siya'y ituturing na mapalad ng bawat makakita sa kanya.
25 Ang buhay ng isang tao ay maikli lamang,ngunit hindi mabibilang ang mga araw ng bansang Israel.
26 Ang tunay na marunong ay pinagtitiwalaan ng kanyang bayan,at mananatili kailanman ang kanyang pangalan.
27 Anak ko, sa buong buhay mo'y lagi mong aalagaan ang iyong sarili,at huwag kang kakain ng anumang makakapinsala sa iyo.
28 Sapagkat hindi lahat ng pagkain ay makakabuti sa lahat ng tao,at hindi rin nasasarapan ang lahat ng tao sa lahat ng pagkain.
29 Huwag mong hangaring matikman ang lahat ng pagkain,at huwag kang magpakalabis sa anumang ihain sa iyo.
30 Nagdudulot ng sakit ang pagkain nang labis,at ang katakawan ay nauuwi sa sakit ng tiyan.
31 Marami na ang namatay sa katakawan,iwasan mo ito at hahaba ang iyong buhay.