18 Ang paggalang sa Panginoon ay magandang bulaklak ng Karunungan,na nagdudulot ng kapayapaan at kalusugan.
19 Namamahagi siya ng kaalaman at ganap na pagkaunawa;ang nagpapahalaga sa kanya ay kanyang pinaparangalan at pinagiging tanyag.
20-21 Ang paggalang sa Panginoon ay siyang ugat ng Karunungan,at ang mga sanga naman nito ay mahabang buhay.
22 Ang marahas na galit ay laging walang katuwiran;mapapahamak ang tao sa sandaling padala siya sa kanyang galit.
23 Maghintay ka at magtimpi,at sa huli ay hindi mo ito pagsisisihan.
24 Huwag kang magsalita hanggang hindi napapanahon;pagkatapos, igagalang ng lahat ang iyong katalinuhan.
25 Ang Karunungan ay may magagandang aral na iniingatan,ngunit ang makasalanan ay nasusuklam sa kabanalan.