2 Sino ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw,o sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
3 Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?
4-5 Bago pa likhain ang alinmang nilalang, nalikha na ang Karunungan,at ang tunay na pagkaunawa, bago pa nagsimula ang mga panahon.
6-7 Kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan,at sinong nakakaalam ng kanyang pamamaraan?
8 Iisa lamang ang talagang marunong;dapat tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.
9 Ang Panginoon ang lumikha ng Karunungan,kinilala niya ang kahalagahan nitoat ibinuhos niya ito sa lahat ng kanyang nilalang.
10 Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao,ngunit higit na masagana ang kaloob niya sa mga umiibig sa kanya.