22 Ang marahas na galit ay laging walang katuwiran;mapapahamak ang tao sa sandaling padala siya sa kanyang galit.
23 Maghintay ka at magtimpi,at sa huli ay hindi mo ito pagsisisihan.
24 Huwag kang magsalita hanggang hindi napapanahon;pagkatapos, igagalang ng lahat ang iyong katalinuhan.
25 Ang Karunungan ay may magagandang aral na iniingatan,ngunit ang makasalanan ay nasusuklam sa kabanalan.
26 Sundin mo ang Kautusan, kung nais mo ng Karunungan;ito'y masaganang ipagkakaloob sa iyo ng Panginoon.
27 Ang paggalang sa Panginoon ay karunungan at kaalaman;nalulugod siya sa matapat at mababang-loob.
28 Huwag mong itatakwil ang paggalang sa Panginoon;huwag kang dudulog sa kanya nang di tapat sa loob.