26 Sundin mo ang Kautusan, kung nais mo ng Karunungan;ito'y masaganang ipagkakaloob sa iyo ng Panginoon.
27 Ang paggalang sa Panginoon ay karunungan at kaalaman;nalulugod siya sa matapat at mababang-loob.
28 Huwag mong itatakwil ang paggalang sa Panginoon;huwag kang dudulog sa kanya nang di tapat sa loob.
29 Pag-ingatan mo ang iyong pananalita,at huwag kang magkukunwari sa paningin ng mga tao.
30 Huwag kang magmamataas,baka ka bumagsak at sukdulang mapahiya.Ihahayag ng Panginoon ang iyong mga lihim,at hihiyain ka niya sa harap ng madla,sapagkat dumulog ka sa kanya nang walang paggalang,at ang puso mo'y puno ng pandaraya.