9 Ang Panginoon ang lumikha ng Karunungan,kinilala niya ang kahalagahan nitoat ibinuhos niya ito sa lahat ng kanyang nilalang.
10 Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao,ngunit higit na masagana ang kaloob niya sa mga umiibig sa kanya.
11 Kung may paggalang ka sa Panginoon, magkakamit ka ng karangalan at kasiyahan,mapuputungan ka ng tuwa at kagalakan.
12 Ang magparangal sa Panginoon ay nagdudulot ng kaligayahan at tuwa,nagkakaloob ng buhay na mahaba at maligaya.
13 Ang may paggalang sa Panginoon ay sasagana sa bandang huli;pagpapalain siya sa oras ng kamatayan.
14 Ang paggalang sa Panginoon ay simula ng tunay na Karunungan;sa sinapupunan pa ng ina'y kasama na siya ng mga tapat.
15 Nanirahan siya sa gitna ng mga tao mula pa noong unaat magtitiwala sa kanya ang mga susunod na salinlahi.