1 Tinuturuan ng mabuting punong-bayan ang kanyang nasasakupan,at binibigyan sila ng matatag at maayos na pamamahala.
2 Kung anong uri ng pangulo ay gayundin ang mga kagawad,at kung ano ang pinuno ng lunsod, gayundin ang mamamayan.
3 Mawawasak ang buong bansa kapag ang hari ay isang mangmang,ngunit uunlad ang bayan kung may pang-unawa ang mga pinuno ng lunsod.
4 Ang pamamahala sa daigdig ay nasa kamay ng Panginoon,at siya ang nagpapadala ng mabubuting tagapamuno pagdating ng takdang panahon.