13 Sapagkat ang simula ng kapalaluan ay kasalanan,ang nananatiling palalo ay nakakagawa ng maraming kasamaan,kaya't katakut-takot na parusa ang ipadadala sa kanila ng Panginoon,hanggang sa sila'y tuluyang malipol.
14 Inaalis ng Panginoon ang mga hari mula sa kanilang trono,at iniluklok niya ang mga mababang-loob.
15 Binuwag ng Panginoon ang mga bansang palalo,at pinalitan ng may mabuting kalooban.
16 Ibinagsak ng Panginoon ang mga kaharian,at sinalanta ang kanilang lupain.
17 May ilang nilipol siya nang lubusan,at pinawi ang pangalan sa alaala ng mga tao.
18 Hindi nilalang ang tao upang maging palalo,at hindi rin nababagay sa isinilang ng babae ang matinding galit.
19 Anong nilalang ang nararapat parangalan?Ang tao.Sino?Ang mga may paggalang sa Panginoon.Anong nilalang ang dapat sumpain?Ang tao.Sino?Ang mga lumalabag sa Kautusan.