19 Anong nilalang ang nararapat parangalan?Ang tao.Sino?Ang mga may paggalang sa Panginoon.Anong nilalang ang dapat sumpain?Ang tao.Sino?Ang mga lumalabag sa Kautusan.
20-21 Sa isang angkan ang puno ng sambahayan ay pinaparangalan,pararangalan din ng Panginoon ang mga may takot sa kanya.
22 Ang mayaman at maharlika, gayundin ang maralita—wala silang maipagmamalaki kundi ang takot sa Panginoon.
23 Hindi dapat dustain ang matalinong tao bagama't mahirapat di naman dapat parangalan ang masamang tao.
24 Ang mga hari, mga hukom, at mga nasa kapangyarihan ay dapat parangalan,ngunit higit na dakila sa kanila ang isang taong may paggalang sa Panginoon.
25 Ang aliping matalino ay maaaring pagsilbihan ng malaya,at ito'y hindi daramdamin ng nakakaunawa.
26 Huwag mong ipagmarangya ang iyong karunungan sa pagtupad mo ng iyong tungkulin,at huwag ka namang magmamataas sa panahong ikaw ay kinakailangan.