2 Kung anong uri ng pangulo ay gayundin ang mga kagawad,at kung ano ang pinuno ng lunsod, gayundin ang mamamayan.
3 Mawawasak ang buong bansa kapag ang hari ay isang mangmang,ngunit uunlad ang bayan kung may pang-unawa ang mga pinuno ng lunsod.
4 Ang pamamahala sa daigdig ay nasa kamay ng Panginoon,at siya ang nagpapadala ng mabubuting tagapamuno pagdating ng takdang panahon.
5 Nasa Panginoon din ang tagumpay ng bawat tao,at siya ang nagpaparangal sa mga gumagawa ng batas.
6 Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa tuwing magkakasala ang iyong kapwa sa iyo,at huwag kang gagawa ng anuman dahil sa simbuyo ng damdamin.
7 Ang kapalaluan ay kinasusuklaman ng Panginoon at ng tao,kapwa rin sila napopoot sa pang-aapi.
8 Dahil sa kasakiman, kapalaluan at pang-aapi bumabagsak ang mga bansa;palit-palit lamang sila sa pananakop sa iba.