25 Ang aliping matalino ay maaaring pagsilbihan ng malaya,at ito'y hindi daramdamin ng nakakaunawa.
26 Huwag mong ipagmarangya ang iyong karunungan sa pagtupad mo ng iyong tungkulin,at huwag ka namang magmamataas sa panahong ikaw ay kinakailangan.
27 Higit na mabuti ang manggagawang nananagana,kaysa hambog na pagala-gala ngunit wala namang makain.
28 Anak ko, hanapin mo ang iyong karangalan nang may kababaan ng loob,at pahalagahan mo ang sarili nang ayon sa nararapat.
29 Sapagkat sino ang gagalang sa taong walang paggalang sa sarili,at sinong magpapahalaga sa taong hindi nagpapahalaga sa sariling buhay.
30 Ang mayaman ay iginagalang dahil sa kanyang kayamanan,at ang maralita ay maaari ding igalang dahil sa kanyang katalinuhan.
31 Kung ang isang tao'y pinaparangalan sa kabila ng kanyang karukhaan,gaano pa kaya kung siya'y naging mayaman.At kung ang isang tao'y hinahamak sa kabila ng kanyang kayamanan,gaano pa kaya kung siya'y maging mahirap!