8 Dahil sa kasakiman, kapalaluan at pang-aapi bumabagsak ang mga bansa;palit-palit lamang sila sa pananakop sa iba.
9 Ano ang maipagmamalaki mo, O tao? Ikaw ay nagmula lamang sa alabok,at buháy ka pa'y maaari ka nang mabulok.
10 Mabibigo ang galing ng manggagamot sa mahabang karamdaman;ang hari na ngayo'y buháy, bukas ay maaaring tanghaling bangkay.
11 Pagkamatay ng tao, wala nang matitira sa kanyakundi mga uod, mga bangaw at mga hayop na gumagapang.
12 Ang kapalaluan ng tao ay nagsisimula sa pagtalikod sa Panginoon,at sa paghihimagsik laban sa lumikha sa kanya.
13 Sapagkat ang simula ng kapalaluan ay kasalanan,ang nananatiling palalo ay nakakagawa ng maraming kasamaan,kaya't katakut-takot na parusa ang ipadadala sa kanila ng Panginoon,hanggang sa sila'y tuluyang malipol.
14 Inaalis ng Panginoon ang mga hari mula sa kanilang trono,at iniluklok niya ang mga mababang-loob.