1 Mapalad ang taong hindi nadudulas sa pananalita,at di binabagabag ng kanyang mga sinabi.
2 Mapalad ang taong hindi sinusumbatan ng sariling budhi,at hindi nawawalan ng pag-asa.
3 Hindi dapat ang salapi sa kuripot,ano ang mapapala ng kuripot sa kanyang kayamanan?
4 Ang nagdadamot sa sarili ay nag-iimpok para sa iba,ang mga ito ang magpapasasa sa kanyang pinaghirapan.
5 Ang maramot sa sarili'y kanino pa magbibigay,kayamanang naipon niya'y hindi niya papakinabangan.
6 Wala nang hihigit pa sa karamutan ng maramot sa sariling kapakanan,karamutang taglay niya'y siya na ring kaparusahan.
7 Gumawa man siya ng mabuti'y hindi niya sadya ang kabutihan,at hindi magtatagal ay malalantad ang kanyang kasakiman.