10 Pagkain ng kuripot ay kanya pang pinanghihinayangan,kaya't walang nakahain sa kanyang hapag-kainan.
11 Anak, kumain kang mabuti ayon sa iyong kakayahan,at lagi kang mag-alay ng marapat na handog sa Panginoon.
12 Alalahanin mong sigurado kang mamamatay,ngunit hindi mo alam kung kailan iyon.
13 Gumawa ka ng mabuti sa mga kaibigan mo bago ka mamatay,tulungan mo sila sa abot ng iyong makakaya.
14 Huwag mong palalampasin ang isang araw na di ka magsasaya.Kung may nais kang gawin na hindi naman kasalanan, huwag kang mag-atubiling gawin iyon.
15 Darating ang panahong paghahati-hatian ng iba ang iyong pinagpaguran,at sila ang magpapasasa sa iyong tinipid na kayamanan.
16 Mamigay ka nang masaya at malugod ka namang tumanggap, habang ikaw ay nabubuhay, maglibang ka at magpakaligaya.Sa daigdig ng mga patay, wala ka nang ganitong malalasap.