16 Mamigay ka nang masaya at malugod ka namang tumanggap, habang ikaw ay nabubuhay, maglibang ka at magpakaligaya.Sa daigdig ng mga patay, wala ka nang ganitong malalasap.
17 Ang katawan ng tao ay malulumang parang damit,ayon sa matandang kautusan tayong lahat ay mamamatay.
18 Tayong mga tao ay parang mga dahon ng isang malagong punongkahoy,habang may nalalaglag ay mayroong umuusbong;mayroon sa ating namamatay at mayroon namang isinisilang.
19 Masisirang lahat ang ginawa ng kamay ng tao,at pati ang may gawa ay kasama nilang maglalaho.
20 Mapalad ka, O tao, kung binubulay mo ang Karunungan,at nangangatuwiran ka nang may katalinuhan.
21 Mapalad ka kung pinag-aaralan mo ang kanyang mga tuntunin,at sinasaliksik ang kanyang mga lihim.
22 Mapalad ka kung nagmamanman ka sa kanya na parang isang mangangaso,at nag-aabang sa kanyang daraanan.