19 Masisirang lahat ang ginawa ng kamay ng tao,at pati ang may gawa ay kasama nilang maglalaho.
20 Mapalad ka, O tao, kung binubulay mo ang Karunungan,at nangangatuwiran ka nang may katalinuhan.
21 Mapalad ka kung pinag-aaralan mo ang kanyang mga tuntunin,at sinasaliksik ang kanyang mga lihim.
22 Mapalad ka kung nagmamanman ka sa kanya na parang isang mangangaso,at nag-aabang sa kanyang daraanan.
23 Mapalad ka kung sumisilip ka sa kanyang mga durungawan,at nakikinig ka sa kanyang mga pintuan.
24 Mapalad ka kung naninirahan ka sa kanyang piling;sa kanyang mga muog nagbabaon ng tulos ng tolda,
25 at nagtatayo ng tolda sa tabi ng kanyang bahay—ang pinakamainam na lugar upang tirahan ng tao.