7 Gumawa man siya ng mabuti'y hindi niya sadya ang kabutihan,at hindi magtatagal ay malalantad ang kanyang kasakiman.
8 Kaysama ng taong gahaman ang pananaw,walang paglingap at malasakit sa kanyang kapwa.
9 Laging akala ng sakim ay kakaunti ang kinamtan,pagkat ang damdamin niya'y pinuspos ng kasakiman.
10 Pagkain ng kuripot ay kanya pang pinanghihinayangan,kaya't walang nakahain sa kanyang hapag-kainan.
11 Anak, kumain kang mabuti ayon sa iyong kakayahan,at lagi kang mag-alay ng marapat na handog sa Panginoon.
12 Alalahanin mong sigurado kang mamamatay,ngunit hindi mo alam kung kailan iyon.
13 Gumawa ka ng mabuti sa mga kaibigan mo bago ka mamatay,tulungan mo sila sa abot ng iyong makakaya.