8 Kaysama ng taong gahaman ang pananaw,walang paglingap at malasakit sa kanyang kapwa.
9 Laging akala ng sakim ay kakaunti ang kinamtan,pagkat ang damdamin niya'y pinuspos ng kasakiman.
10 Pagkain ng kuripot ay kanya pang pinanghihinayangan,kaya't walang nakahain sa kanyang hapag-kainan.
11 Anak, kumain kang mabuti ayon sa iyong kakayahan,at lagi kang mag-alay ng marapat na handog sa Panginoon.
12 Alalahanin mong sigurado kang mamamatay,ngunit hindi mo alam kung kailan iyon.
13 Gumawa ka ng mabuti sa mga kaibigan mo bago ka mamatay,tulungan mo sila sa abot ng iyong makakaya.
14 Huwag mong palalampasin ang isang araw na di ka magsasaya.Kung may nais kang gawin na hindi naman kasalanan, huwag kang mag-atubiling gawin iyon.