1 Huwag kang maghahangad ng maraming anak na walang silbi.Hindi maipagkakapuri ang maraming anak na lalaki na hindi kumikilala sa Diyos.
2 Hindi mo sila maipagmamalaki gaano man sila karami,kung sila'y walang takot sa Panginoon.
3 Huwag mong aasahan ang kanilang bilang,at huwag kang mananalig na hahaba ang kanilang buhay.Kung minsa'y mabuti pa ang iisang anak kaysa sanlibo,o mamatay na walang anak kaysa magkaroon ng marami ngunit masasama.
4 Ang isang malaking bayan ay maaaring magmula sa isang mabuting tao,ngunit tuluyang malilipol ang isang lahi kung sila'y masasama.
5 Marami nang pangyayaring tulad niyan ang aking nakita,ngunit higit pa riyan ang aking nabalitaan.
6 Ang galit ng Panginoon ay nagsisiklab na parang apoy laban sa isang maliit na pangkat ng masasamang tao;ngunit lumalagablab iyon na parang sunog laban sa isang bansang masuwayin.