12 Dakila ang kanyang habag ngunit kakila-kilabot ang kanyang poot,at hinahatulan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito.
13 Hindi makakaligtas sa parusa niya ang nagnakaw,at hindi naman mabibigo ang pag-asa ng makadiyos.
14-16 Pinagpapala niya ang bawat gumagawa ng mabuti,at ginagantihan ang bawat isa ayon sa nararapat sa kanya.
17 Huwag mong sabihing, “Magtatago ako sa Panginoon!Sino ba sa sangkalangitan ang makakaalala sa akin?Sino ang makakapansin sa akin sa karamihan ng mga tao?Ang mga nilikha ay lubhang napakarami, ano ang kabuluhan ko?
18 Ang alapaap at ang langit sa itaas nito,ang mga karagatan sa palibot ng lupa, at ang sangkalupaan, tiyak na manginginig pagdating ng Panginoon.
19 Ang mga bundok at ang mga saligan ng lupapawang magigimbal at mayayanig matingnan lamang niya.
20 Hindi na niya ako mapapansin!Sino ba ang mag-aabala sa mga ginagawa ko?