14-16 Pinagpapala niya ang bawat gumagawa ng mabuti,at ginagantihan ang bawat isa ayon sa nararapat sa kanya.
17 Huwag mong sabihing, “Magtatago ako sa Panginoon!Sino ba sa sangkalangitan ang makakaalala sa akin?Sino ang makakapansin sa akin sa karamihan ng mga tao?Ang mga nilikha ay lubhang napakarami, ano ang kabuluhan ko?
18 Ang alapaap at ang langit sa itaas nito,ang mga karagatan sa palibot ng lupa, at ang sangkalupaan, tiyak na manginginig pagdating ng Panginoon.
19 Ang mga bundok at ang mga saligan ng lupapawang magigimbal at mayayanig matingnan lamang niya.
20 Hindi na niya ako mapapansin!Sino ba ang mag-aabala sa mga ginagawa ko?
21 Kung ako ma'y magkasala, wala namang makakakita!At kung ako'y magsinungaling, sino ang makakaalam?
22 Sino ang magsasabi sa Panginoon kung ang gawa ko'y makatarungan?At sino ang mag-aalalang maghintay sa kanyang hatol?”