23 Ganyan ang iniisip ng walang bait.Iyan ang sinasabi ng mangmang.
24 Makinig ka, anak ko, at pakaisipin mo itong aking sasabihin,nang ikaw ay matuto at makaunawa.
25 Ang ilalahad ko'y mga aral na hindi mababago;ang ipakikilala ko sa iyo'y buong katotohanan.
26 Nang lalangin ng Panginoon ang mga unang nilikha,kapagdaka'y binigyan niya ang bawat isa ng kanya-kanyang tungkulin.
27 Itinakda na niya ang kani-kanilang gagampanan,at ang kanilang paghahari sa lahat ng salinlahi, ng mga panahon.Walang nagugutom o nauuhaw kailanman,at wala ring napapagod o humihinto sa kanilang gawain.
28 Hindi sila nag-aagawan ng daraanan o nagsisiksikan,at walang sumusuway sa kanyang batas.
29 Pagkatapos, pinagmasdan ng Panginoon ang lupa,at pinagyaman niya ito ng lahat ng mabubuting bagay.