6 Ang galit ng Panginoon ay nagsisiklab na parang apoy laban sa isang maliit na pangkat ng masasamang tao;ngunit lumalagablab iyon na parang sunog laban sa isang bansang masuwayin.
7 Hindi niya pinatawad ang lahi ng mga higante noong unang panahon,na nanalig sa sariling lakas at lumaban sa kanya.
8 Hindi niya kinahabagan ang bayang tinirahan ni Lot,at kinasuklaman niya dahil sa kanilang kapalaluan.
9 Hindi niya kinahabagan ang mga bansang itinalaga niyang lipulin,napuksa silang lahat dahil sa kanilang pagkakasala.
10 Gayundin ang 600,000 kawal na naghimagsik laban sa kanyanang sila'y naglalakbay sa ilang.
11 Kahit iisa lamang kawal ang lumaban sa Panginoon,maituturing na himala kung siya'y makaligtas sa parusa.Sapagkat nasa Panginoon ang habag at nasa kanya rin ang galit;makapangyarihan siyang magpatawad o magparusa.
12 Dakila ang kanyang habag ngunit kakila-kilabot ang kanyang poot,at hinahatulan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito.