1 Nilikha ng Panginoon ang tao mula sa alabok,at ito'y sa alabok din uuwi.
2 Binigyan niya ang tao ng maikling buhay,ngunit ipinailalim sa kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa.
3 Pinagkalooban niya sila ng kalakasang tulad ng sa kanya,at ginawa silang kawangis niya.
4-5 Niloob ng Panginoon na ang lahat ng may buhay ay matakot sa tao,at maghari ito sa mga hayop sa lupa at ibon sa himpapawid.
6 Binigyan niya ang tao ng dila, mga mata at tainga,at kapangyarihang mag-isip at magpasya.
7 Pinuspos pa niya ng kaalaman at karunungan,at tinuruang kumilala ng mabuti at masama.