10 upang papurihan nila ang kanyang pangalanat ipahayag ang kadakilaan ng kanyang mga gawa.
11 Ibinigay niya sa tao ang kanyang mga aral,at ipinamana sa kanila ang Kautusang nagbibigay-buhay.
12 Nakipagtipan siya sa mga tao magpakailanman,at ipinahayag sa kanila ang kanyang mga kautusan.
13 Nakita nila ang kanyang maningning na paghahari,at narinig nila ang kanyang maluwalhating tinig.
14 Sinabi niya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa lahat ng masama;”at iniutos sa kanila ang tungkulin ng bawat isa sa kanyang kapwa.
15-16 Nakikita ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,at walang nalilingid sa kanya na anuman.
17-18 Nang itatag ng Panginoon ang iba't ibang bansa sa daigdig, binigyan niya ang bawat bansa ng kanyang tagapamuno;ngunit ang Israel ay hinirang niyang maging bayan niya.