12 Nakipagtipan siya sa mga tao magpakailanman,at ipinahayag sa kanila ang kanyang mga kautusan.
13 Nakita nila ang kanyang maningning na paghahari,at narinig nila ang kanyang maluwalhating tinig.
14 Sinabi niya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa lahat ng masama;”at iniutos sa kanila ang tungkulin ng bawat isa sa kanyang kapwa.
15-16 Nakikita ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,at walang nalilingid sa kanya na anuman.
17-18 Nang itatag ng Panginoon ang iba't ibang bansa sa daigdig, binigyan niya ang bawat bansa ng kanyang tagapamuno;ngunit ang Israel ay hinirang niyang maging bayan niya.
19 Ang gawa ng tao'y malinaw pa sa liwanag ng arawat minamasdan ng Panginoon ang pamumuhay ng tao.
20-21 Hindi maitatago sa kanya ang kanilang kasamaan,at nakikita niya ang lahat nilang kasalanan.