15-16 Nakikita ng Panginoon ang lahat ng ginagawa ng tao,at walang nalilingid sa kanya na anuman.
17-18 Nang itatag ng Panginoon ang iba't ibang bansa sa daigdig, binigyan niya ang bawat bansa ng kanyang tagapamuno;ngunit ang Israel ay hinirang niyang maging bayan niya.
19 Ang gawa ng tao'y malinaw pa sa liwanag ng arawat minamasdan ng Panginoon ang pamumuhay ng tao.
20-21 Hindi maitatago sa kanya ang kanilang kasamaan,at nakikita niya ang lahat nilang kasalanan.
22 Parang singsing na pantatak sa paningin ng Panginoon ang pagkakawanggawa ng tao,pinahahalagahan niyang parang balintataw ng kanyang mga mata ang kanilang kabutihang asal.
23 Darating ang araw na siya'y maghihiganti laban sa masasama,at babagsak sa kanila ang parusang nararapat sa kanila.
24 Ngunit lagi niyang tinatanggap ang nagbabalik-loob,at inaaliw ang nawawalan ng pag-asa.