23 Darating ang araw na siya'y maghihiganti laban sa masasama,at babagsak sa kanila ang parusang nararapat sa kanila.
24 Ngunit lagi niyang tinatanggap ang nagbabalik-loob,at inaaliw ang nawawalan ng pag-asa.
25 Iwan mo na ang kasalana't lumapit ka sa Panginoon,magsumamo ka sa kanya at mapapawi ang iyong sala.
26 Manumbalik ka na sa Kataas-taasang Diyos; talikuran mo na ang gawang masama,at kamuhian mo ang kanyang kinasusuklaman.
27 Sino ang magpupuri sa Kataas-taasang Diyos sa daigdig ng mga patay?Ang mga buháy lamang ang maaaring magpuri sa kanya.
28 Ang mga patay, sapagkat sila'y wala na, ay di maaaring umawit ng papuri sa Panginoon;mga buháy lamang at malulusog ang maaaring magpuri sa kanya.
29 Kay laki ng habag ng Panginoon;anong dali niyang magpatawad sa nagbabalik-loob sa kanya!