28 Ang mga patay, sapagkat sila'y wala na, ay di maaaring umawit ng papuri sa Panginoon;mga buháy lamang at malulusog ang maaaring magpuri sa kanya.
29 Kay laki ng habag ng Panginoon;anong dali niyang magpatawad sa nagbabalik-loob sa kanya!
30 Hindi maaaring kamtan ng tao ang lahat ng bagay,sapagkat ang lahi ng tao ay may kamatayan.
31 Mayroon bang anumang maningning pa kaysa araw?Ngunit pati ito ay nagdidilim din kung minsan.Gayundin ang tao na minsa'y gumagawa ng masama.
32 Pinahahanay ng Panginoon ang mga hukbo ng langit,ngunit ang tao ay putik lamang at alabok.