7 Pinuspos pa niya ng kaalaman at karunungan,at tinuruang kumilala ng mabuti at masama.
8-9 Pinaliwanag ng Panginoon ang isipan ng mga tao,at ipinakilala sa kanila ang kagandahan ng kanyang nilalang,
10 upang papurihan nila ang kanyang pangalanat ipahayag ang kadakilaan ng kanyang mga gawa.
11 Ibinigay niya sa tao ang kanyang mga aral,at ipinamana sa kanila ang Kautusang nagbibigay-buhay.
12 Nakipagtipan siya sa mga tao magpakailanman,at ipinahayag sa kanila ang kanyang mga kautusan.
13 Nakita nila ang kanyang maningning na paghahari,at narinig nila ang kanyang maluwalhating tinig.
14 Sinabi niya sa kanila: “Mag-ingat kayo sa lahat ng masama;”at iniutos sa kanila ang tungkulin ng bawat isa sa kanyang kapwa.