11 Kaya naman pinagpapaumanhinan ng Diyos ang mga tao,at ibinubuhos sa kanila ang kanyang habag.
12 Nakikita at nauunawaan niya ang kahabag-habag nilang wakas;dahil dito'y lalo niyang dinadagdagan ang kanyang pagpapatawad.
13 Ang pagkahabag ng tao ay para sa kanyang kapwa lamang,ngunit kinaaawaan ng Panginoon ang lahat ng may buhay.Inaakay niya sila sa tumpak na landas, itinutuwid ang kamalian, sinusupil kung kailangan,tinuturuan, at ibinabalik kapag naliligaw, gaya ng ginagawa ng pastol sa kanyang kawan.
14 Kinahahabagan niya ang tumatanggap ng pangaralat nagsisikap makatupad ng kanyang mga utos.
15 Anak, gumawa ka ng mabuti na walang halong panunumbat;huwag mong bayaang ang kaloob mo'y mabahiran ng masakit na pangungusap.
16 Hindi ba ang hamog ay nakakapagpalamig sa init ng araw?Kung gayo'y higit pa sa kaloob ang magandang salita.
17 Ang magandang pangungusap ay higit na mahalaga kaysa isang regalong mamahalin,at ang dalawang ito ay kapwa ipinagkakaloob ng may tunay na magandang kalooban.