14 Kinahahabagan niya ang tumatanggap ng pangaralat nagsisikap makatupad ng kanyang mga utos.
15 Anak, gumawa ka ng mabuti na walang halong panunumbat;huwag mong bayaang ang kaloob mo'y mabahiran ng masakit na pangungusap.
16 Hindi ba ang hamog ay nakakapagpalamig sa init ng araw?Kung gayo'y higit pa sa kaloob ang magandang salita.
17 Ang magandang pangungusap ay higit na mahalaga kaysa isang regalong mamahalin,at ang dalawang ito ay kapwa ipinagkakaloob ng may tunay na magandang kalooban.
18 Ang hangal ay mapanumbat at masungit,ang bigay na mapait sa kalooban ng nagbigay ay mahapdi sa mata ng binigyan.
19 Mag-aral ka muna bago ka magsalita,at pangalagaan ang sarili bago pa dumapo ang sakit.
20 Suriin mo ang sarili bago sumapit ang paglilitis,at pagdating ng pagsisiyasat, magtatamo ka ng patawad.