21 Magpakumbabá bago dapuan ng sakitat magbalik-loob agad bago malulong sa kasalanan.
22 Huwag mong ipagpaliban ang pagtupad ng panata;huwag mong hintaying mabingit ka pa sa kamatayan bago tuparin iyon.
23 Bago ka gumawa ng panata, ihanda mo muna ang sarili;huwag mong tularan ang tumutukso sa Panginoon.
24 Isipin mo: Gusto mo bang magalit siya sa iyo sa oras ng kamatayan?Kapag hahatulan ka na niya, nais mo bang talikuran ka niya?
25 Alalahanin mo ang gutom kapag ikaw ay nasa kasaganaan,isipin mo ang karukhaan at pangangailangan sa panahong ikaw ay mayaman.
26 Gaano karaming pagbabago ang nagaganap sa maghapon?Ganyan kabilis magbago ang lahat ng bagay sa harap ng Panginoon.
27 Ang marunong ay maingat sa lahat ng bagay,at lalong nangingilag madungisan kapag lumulubha ang panganib na magkasala.