24 Isipin mo: Gusto mo bang magalit siya sa iyo sa oras ng kamatayan?Kapag hahatulan ka na niya, nais mo bang talikuran ka niya?
25 Alalahanin mo ang gutom kapag ikaw ay nasa kasaganaan,isipin mo ang karukhaan at pangangailangan sa panahong ikaw ay mayaman.
26 Gaano karaming pagbabago ang nagaganap sa maghapon?Ganyan kabilis magbago ang lahat ng bagay sa harap ng Panginoon.
27 Ang marunong ay maingat sa lahat ng bagay,at lalong nangingilag madungisan kapag lumulubha ang panganib na magkasala.
28 Ang matalinong tao'y madaling makakilala ng karunungan,at iginagalang niya ang sinumang nag-aangkin nito.
29 Ang nakakaunawa ng mga kasabihan ay maibibilang na rin sa marurunong,at ang mga pangungusap niya'y magiging batis ng karunungan.
30 Huwag kang padadala sa masasama mong hilig,bagkus pigilan mo ang iyong mga pagnanasa.