28 Ang matalinong tao'y madaling makakilala ng karunungan,at iginagalang niya ang sinumang nag-aangkin nito.
29 Ang nakakaunawa ng mga kasabihan ay maibibilang na rin sa marurunong,at ang mga pangungusap niya'y magiging batis ng karunungan.
30 Huwag kang padadala sa masasama mong hilig,bagkus pigilan mo ang iyong mga pagnanasa.
31 Kapag sinunod mo ang iyong masasamang hilig,pagtatawanan ka ng iyong mga kaaway.
32 Huwag kang mawili sa panandaliang aliwna ang ibinubunga'y ibayong paghihirap.
33 Kung wala kang sariling pera, huwag mong asamin ang magarbong pag-aanyaya.Kapag ang handa mo ay uutangin pa, sa malao't madali'y mamumulubi ka.