2-3 Ang Panginoon lamang ang makatarungan.Walang ibang Diyos liban sa kanya.
4 Walang makakapaghayag ng mga ginawa ng Panginoon,at wala ring makakaunawa ng kanyang mga panukala.
5 Sinong makakasukat ng kanyang karangalan?Sinong makakapagsalaysay ng kanyang habag?
6 Walang maidadagdag o mababawas sa mga ito ang tao.Talagang di kayang maabot ng kanyang isipan ang mga kahanga-hangang gawa ng Panginoon.
7 Kapag nabaybay niya ang lahat, siya'y nagsisimula pa lamang,at pagtigil niya'y lito ang kanyang isip.
8 Ano ba ang tao, at ano ang kanyang katuturan?Ano ang halaga ng kabutihan o kasamaang nagagawa niya?
9 Tingnan mo na lamang ang haba ng kanyang buhay: Mahaba na ang sandaang taon.