9 Tingnan mo na lamang ang haba ng kanyang buhay: Mahaba na ang sandaang taon.
10 Parang isang patak ng tubig mula sa dagat, o buhangin sa dalampasigan—ganyan ang buhay ng tao, kung ipaparis sa panahong walang hanggan.
11 Kaya naman pinagpapaumanhinan ng Diyos ang mga tao,at ibinubuhos sa kanila ang kanyang habag.
12 Nakikita at nauunawaan niya ang kahabag-habag nilang wakas;dahil dito'y lalo niyang dinadagdagan ang kanyang pagpapatawad.
13 Ang pagkahabag ng tao ay para sa kanyang kapwa lamang,ngunit kinaaawaan ng Panginoon ang lahat ng may buhay.Inaakay niya sila sa tumpak na landas, itinutuwid ang kamalian, sinusupil kung kailangan,tinuturuan, at ibinabalik kapag naliligaw, gaya ng ginagawa ng pastol sa kanyang kawan.
14 Kinahahabagan niya ang tumatanggap ng pangaralat nagsisikap makatupad ng kanyang mga utos.
15 Anak, gumawa ka ng mabuti na walang halong panunumbat;huwag mong bayaang ang kaloob mo'y mabahiran ng masakit na pangungusap.