1 Anak, kung nais mong maglingkod sa Panginoon,humanda ka sa mga pagsubok.
2 Maging tapat ka at magpakatatag,huwag kang masisiraan ng loob sa panahon ng kasawian.
3 Manalig ka sa Panginoon at huwag kang lalayo sa kanya,upang ikaw ay parangalan sa katapusan ng iyong buhay.
4 Tanggapin ang anumang ipagkaloob niya sa iyo,tiisin mo ang kabiguan kahit ano ang mangyari.
5 Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy,ang banal ay sinusubok ng Panginoon sa apoy ng paghamak.
6 Magtiwala ka at tutulungan ka niya,mamuhay ka sa katuwiran at umasa sa kanya.