10 Tingnan ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno:May nagtiwala ba sa Panginoon at nabigo?May nanatili bang naglilingkod sa kanya na kanyang pinabayaan?May tumawag ba sa kanya na hindi niya dininig?
11 Sapagkat maawain at mapagpatawad ang Panginoon,pinatatawad niya tayo sa ating kasalanan at inililigtas sa kagipitan.
12 Kawawa ang mahihinang-loob at mga tamad,kawawa ang makasalanang mapagkunwari.
13 Kawawa ang mahihina ang loob! Ayaw nilang magtiwala,kaya hindi naman sila tatangkilikin.
14 Kawawa kayong mga nawalan ng pag-asa at ayaw nang makibaka,ano ang gagawin ninyo kapag pinarusahan kayo ng Panginoon?
15 Ang mga may paggalang sa Panginoon at di sumusuway sa kanyang utos,ang mga umiibig sa kanya'y namumuhay ayon sa kanyang kalooban.
16 Ang mga may paggalang sa Panginoon ay nagsisikap na siya'y bigyang-lugod;ang kanyang Kautusan ang umiiral sa buhay ng mga umiibig sa kanya.