14 Kawawa kayong mga nawalan ng pag-asa at ayaw nang makibaka,ano ang gagawin ninyo kapag pinarusahan kayo ng Panginoon?
15 Ang mga may paggalang sa Panginoon at di sumusuway sa kanyang utos,ang mga umiibig sa kanya'y namumuhay ayon sa kanyang kalooban.
16 Ang mga may paggalang sa Panginoon ay nagsisikap na siya'y bigyang-lugod;ang kanyang Kautusan ang umiiral sa buhay ng mga umiibig sa kanya.
17 Ang mga may paggalang sa Panginoon ay handang maglingkod sa kanya,nagpapakababa sila sa kanyang harapan. Sabi nila,
18 “Ipinagkakatiwala natin ang ating buhay sa Panginoon sa halip na sa mga tao,sapagkat kapantay ng kanyang kamahalan ang kanyang habag.”