5 Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy,ang banal ay sinusubok ng Panginoon sa apoy ng paghamak.
6 Magtiwala ka at tutulungan ka niya,mamuhay ka sa katuwiran at umasa sa kanya.
7 Kayong may paggalang sa Panginoon, maghintay kayo ng kanyang habag;huwag kayong lalayo sa kanya nang hindi kayo mapahamak.
8 Kayong may paggalang sa Panginoon, magtiwala kayo sa kanya,at siguradong tatanggap kayo ng gantimpala.
9 Kayong lahat na may paggalang sa Panginoon, umasa kayo sa kanyang pagpapala.Asahan ninyo ang kanyang pagkahabag at kagalakang walang hanggan.
10 Tingnan ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno:May nagtiwala ba sa Panginoon at nabigo?May nanatili bang naglilingkod sa kanya na kanyang pinabayaan?May tumawag ba sa kanya na hindi niya dininig?
11 Sapagkat maawain at mapagpatawad ang Panginoon,pinatatawad niya tayo sa ating kasalanan at inililigtas sa kagipitan.