17 Malugod na pinakikinggan ng kalipunan ang bawat salita ng marunong;pinagbubulay-bulayan ng bawat makarinig ang kanyang mga sinabi.
18 Ang karunungan ng hangal ay parang bahay na nakahilig,ang nalalaman niya'y isang tambak na kasabihang hindi naman niya nauunawaan.
19 Para sa hangal ang pag-aaral ay isang tanikala sa kanyang mga paa,parang posas na nakagapos sa kanyang mga kamay.
20-21 Ngunit para sa matalino, ang pag-aaral ay isang gintong hiyas,isang pulseras na nakasuot sa kanyang bisig.Ang hangal, kung matuwa'y humahalakhak,ngunit ang marunong ay mahinhing ngumingiti lamang kung hinihingi ng pagkakataon.
22 Ang hangal ay kaagad sumusugod na papasok sa isang bahay,ngunit ang may karanasan ay mapitagang naghihintay sa labas.
23 Ang lapastangan ay sumisilip sa loob ng bahay mula sa pintuan,ngunit ang may magandang asal ay naghihintay muna sa labas ng bahay.
24 Labag sa kagandahang-asal ang makinig sa kabila ng pinto,mahihiyang gumawa nang gayon ang taong matino.