1 Ang taong tamad ay parang batong lubog sa lusak,pinandidirihan at hinahamak ng lahat.
2 Ang katulad ng tamad ay isang tumpok na dumi,kapag may nakadampot, agad iwinawaksi.
3 Isang malaking kahihiyan ang magkaroon ng isang masuwaying anak,lalo na kung ito'y naging babae.
4 Ang mabait na anak na babae ay makakatagpo ng mabuting asawa,ngunit ang walang isip ay kapighatian ng ama.
5 Ang lapastangang anak na babae ay dalamhati ng kanyang ama't asawa,darating ang panahong siya'y itatakwil nila.
6 Ang panunumbat na di napapanahon ay parang masayang tugtugin sa oras ng libing,ngunit sa lahat ng panahon, ang pagtutuwid ay isang karunungan.