11 Tangisan mo ang patay pagkat nilisan na niya ang daigdig,ngunit kaawaan mo ang hangal, pagkat naiwan niya ang kanyang bait.Hindi gaanong masaklap ang mamatay—ang patay ay namamahinga na.Malungkot pa kaysa kamatayan ang buhay ng hangal.
12 Ang pagluluksa sa patay ay pitong araw lamang,ngunit ang pighating dulot ng hangal at walang takot sa Diyos ay panghabang buhay.
13 Huwag kang makikipag-usap nang malimit sa hangal,huwag kang dadalaw sa taong hindi nag-iisip,mangilag ka sa kanya, baka ikaw ay mapahamak!Madudungisan ka kapag siya'y nagpapalag,iwasan mo siya at magkakaroon ka ng katahimikan,at di ka na mayayamot sa kanyang mga kahangalan.
14 Ang ganyang mga tao ay mabigat pang dalhin kaysa tingga,at ano ang tawag sa kanya kundi “hangal”?
15 Ang buhangin, ang asin o ang isang pirasong bakal,ay magaan pang dalhin kaysa isang hangal.
16 Ang posteng nakakabit nang matibay sa pader ng gusaliay hindi matatanggal kahit na lumindol.Gayundin naman, ang pasyang nababatay sa masusing pag-aaral,ay hindi mababago sa harap ng matinding kagipitan.
17 Ang pasyang bunga ng matalinong pagkukuroay parang makinis na pader na may magandang gayak.