14 Ang ganyang mga tao ay mabigat pang dalhin kaysa tingga,at ano ang tawag sa kanya kundi “hangal”?
15 Ang buhangin, ang asin o ang isang pirasong bakal,ay magaan pang dalhin kaysa isang hangal.
16 Ang posteng nakakabit nang matibay sa pader ng gusaliay hindi matatanggal kahit na lumindol.Gayundin naman, ang pasyang nababatay sa masusing pag-aaral,ay hindi mababago sa harap ng matinding kagipitan.
17 Ang pasyang bunga ng matalinong pagkukuroay parang makinis na pader na may magandang gayak.
18 Ang maliliit na bato na naiwan sa ibabaw ng mataas na paderay pilit ipapadpad ng malakas na ihip ng hangin.Gayundin ang mangyayari sa panukala ng hangal; palibhasa'y batay sa haka-haka lamang,dagling napapaurong sa takot sa anumang panganib.
19 Sundutin mo ang mata at ito'y luluha;sugatan mo ang damdamin at ito'y magdaramdam.
20 Kapag binato mo ang mga ibon, sila'y magliliparan;kapag hinamak mo ang iyong kaibigan, lalayuan ka niya.