2 Ang katulad ng tamad ay isang tumpok na dumi,kapag may nakadampot, agad iwinawaksi.
3 Isang malaking kahihiyan ang magkaroon ng isang masuwaying anak,lalo na kung ito'y naging babae.
4 Ang mabait na anak na babae ay makakatagpo ng mabuting asawa,ngunit ang walang isip ay kapighatian ng ama.
5 Ang lapastangang anak na babae ay dalamhati ng kanyang ama't asawa,darating ang panahong siya'y itatakwil nila.
6 Ang panunumbat na di napapanahon ay parang masayang tugtugin sa oras ng libing,ngunit sa lahat ng panahon, ang pagtutuwid ay isang karunungan.
7 Ang magturo sa hangal ay tulad ng pagbubuo ng basag na palayok,o manggising ng taong mahimbing ang tulog.
8-10 Ang magpaliwanag sa hangal ay parang nakikipag-usap sa inaantok,matapos mong sabihin sa kanya ang lahat, itatanong sa iyo: “Ano na nga ba ang sinabi mo?”